Dearest Tuyom

dearest tuyom,

miss na kita!

miss ko na yung away natin...

yom, tanda mo nung june 1, nadatnan kita nakahiga... la lang...

lam mo yom, lahat dahan-dahang bumabalik sa akin...

tanda mo nung bagong dayo pa tayo sa davao, nung may post-edsa rally sa may magsaysay park... diba, ala naman tayong kamalay-malay nun, kaso sinama tayo ni nanay... siguro para mamulat sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. kaso ang nangyari nun yom, nawala tayong dalawa... kse, naaliw tayo sa kakalaro... tapos nung binalikan natin yung lugar kung saan nakatayo ang mga kamag-anak natin, bigla silang nawala. diba pinasalita pa ako sa harap ng stage... hehehe... ala akong stage fright nun, kse lam kong nananawagan na ako. hanggang sa matapos ang program sa rally, alang nagcle-claim sa ating dalawa, kaya napag-isipan ng mga LFS na isama tayo sa motorcade... lam mo yom nung time na yun inis na inis ako sa iyo, kse tuwang-tuwa ka sa mga hinuhulog na confetti habang ako'y umiiyak sa takot na baka di na natin makikita sina nanay, tatay, manoy and king. pero naibsan ang lahat ng takot ko kse lam kong magkasama tayong dalawa.

tanda mo nung grade 6 ako yom, alang-ala tayo nun kse di pa dumarating ang perang padala ni tatay, pero yom, ang galing mo. Nang dahil sa game and watch, and skateboard mo, nakapag-uwi ka ng isang dosenang itlog at pera. ang saya-saya ni nanay nun yom, kse di niya ine-expect ang kakaiba mong diskarte.

tanda mo yom, nung hiniram ko yung bagong nike shoes mo para sa field demo namin, hehehe, bidang-bida ako nun, kso yom nung hi skul ka na di na kasya sa akin mga sapatos mo.

tanda mo yom nung pinagtapat mo sa akin na for almost two years, di ka na pumapasok sa eskwela, muntik na akong magalit sa iyo, pero hindi ako nagalit kse alam kong you deserve a second chance...kaya bumalik tayong davao.

tanda mo nung nasa davao na tayo, nung pinapag-review kita...nagkatampuhan tayo nun kse mas pinili mong magbasketball kesa magreview, pero wagi yom kse pumasa ka.

tanda mo nung dineklara ni erap ang all out war laban sa MILF matapos ang hostage taking sa may south cotabato… diba yom, kahit triple red alert nun, umuwi pa rin tayo ng south kse miss na natin si auntie ting… di rin ako kinbahan nun yom kse lam ko pag magkasama tayo keri na ang lahat.

tanda mo nung intrams sa skul niyo… may nakita akong dormmate na naging skulmate mo na…diba kakaiba yung angas ng mukhang bulldog na gurlash na yon… hehehe… na-impluwensiyahan pa nga kita nun, nilait natin siya…kahit ka-division mo siya.

tanda mo nung birthday celebration niyo ni king yom… diba nag-over night tayo sa isang resort sa samal… at nag-inuman… ang saya-saya nun yom kse nakilala ko mga kabarkada mo… kso yun din yung time na nalulungkot ako sa davao kase karamihan ng kabarkada ko nasa kyusi… umiyak pa nga ako nun… kaso pinatahan mo ako… sabi mo pa nga na kaya mong bantayan sina king at kikay… at kaya niyong tatlo, kahit ala kayong kasamang nakatatanda na mabuhay…pinayagan mo akong bumalik sa manila yom. nung sinabi mo yun yom, there was assurance and comfort.

tanda mo nung madaling araw na tumawag ka sa amin ni nanay…kararating ko lang ng manila nun yom… kso nung marinig kong umiiyak ka, hindi dahil sa namiss mo ko, kundi, dahil sa nagbreak kayo ng gf mo… ang sama-sama ng loob ko nun yom…I felt so stupid leaving you there…nang marinig kita gusto kong bumalik ng davao…sinabi ko nga kay nanay na ang sama ko kse I wasn’t there for you.

tanda mo nung 1st sem last year yom… diba mejo engot ang grades mo sa apat na major subjects mo…kse diba according to you umaakyat ka ng bundok kahit exam week… kahit alang holidays sa skul… kase fulfilled ka sa paghahike, at lalo ka pang na-enganyo nang na-abot mo ang peak ng Mt. Apo for the very first time, tuwang-tuwa ka pa nga sa sceneries na nakita mo dun… kaya tuloy kelangan mong magshift sa ibang course…nung mga time na ‘to yom muntik ka na naming ipahinto sa studies mo… kso nung pasukan nang 2nd sem, sabi mo kay nanay na gusto mong mag-aral, kaya another chance was given...

tanda mo nung Christmas last year… nagbonding kayo ni manoy yom…first time niyong magbonding ever as adults, kse malimit na nag-aaway kayo… diba dun niyo nalaman na pareho kayo ng hilig...balaik niyo pa ngang umakyat nga makiling bago pasukan kaso di natuloy... atsaka diba nung christmas week na yun yom, tuwing alas 3, lahat tayo (ikaw, ako, sina king, manoy and nanay) pumupunta ng field… kayo ni manoy naglalaro ng basketball sa baker, habang kme nina king at nanay naglalaro ng badminton.

lam mo yom, nung birthday ko, nalungkot ako nung umalis ka pagkahapon kse feeling ko may kulang…

diba yom, kinuwento mo sa akin na feeling mo u have abused king as a bro… kse pag nag-aaway kayo mejo pisikal, atsaka sinabi mo rin na u were sorry for that and you’re trying to mend things with him… nakikita ko naman yung effort mo yom… lalo na nung nauna kang umuwi kse king has to be treated for dengue kaya na-extend bakasyon niya for one week...kso nung summer, nakita ko ang difference ng relationship niyo… u have grown apart indeed…

ako naman, nung summer nang magbaksyon ako sa davao, mejo cold ako sa iyo kse feeling ko hindi mo tinupad ung promise mo na titinuan mo na ang grades mo… kaya tuloy nung dumating ka sa bahay na may dalang bangus na according to you huli mo sa pagclimb mo, di ko tuloy na-appreciate… kso short-lived yung tampuhan kse 2 weeks din lang naman ako dun… sa 2 weeks na yun yom, masaya ako kse for the very first time, nafeel ko na na-appreciate mo luto ko (kahit yung iba experimental). diba nahiya pa nga akong ibigay sa iyo ang recipe ng spaghetti sauce ko, kala ko u were joking, kso ipinasulat mo sa akin yun…lam mo yom, feeling ko nasa alapaap ako nun kse ung compliment came from one of the best cooks in the family—no one else, but you… kaya tuloy nung bumalik ako ng manila, ako nagvolunteer na magluluto ng spaghetti sa bahay…

yom, diba nung dumating ako from manila, di ko ipinasabi sa inyo na darating ako… lam mo bakit yom, kse takot ako sa bombings na nangyari sa davao, ayokong may mangyaring masama sa inyo…kaya di ako nagpasundo…kaya tuloy laking gulat mo nang makita mo ako sa gate…niyakap mo pa nga ako nun…pagkatapos nun diba kumain tayo nina king sa labas at nanood ng x-men....

the night before I left for manila naman, diba gumimik tayo… dinala mo pa nga ako sa skul niyo at ipinakilala sa mga classmates mo nung summer na GF, kso ayaw nilang maniwala kse hawig raw ako ni king…hehehe! Lam mo yom, ayoko na sana magpahatid sa inyo sa airport, kse natatakot akong baka may mangyayaring masama sa inyo… kso diba sabi mo sa akin na ihahatid mo ako, kaya kinabukasan inagahan mo ang pag-uwi… last lunch natin sa mc donald’s, tayong tatlo nina king… nang nasa airport na tayo, sabi ko sa inyo na once nakapasok na ako, sibat na kayo… niyakap niyo ako… niyakap mo ako yom… yung signatured hug mo na mahigpit…sobrang higpit… yun na yong huling yakap mo yom… lam mo yom, kala ko nung nasa may pre-departure area ako, makikita ko pa kayo sa labas…yun pala sumibat na nga kayo…nalungkot ako nun, kse i just wanted a glimpse of you.

yom, nung june 1, nung bumalik ako ng davao, nakita ko pa sa bahay yung sinulat mong recipe na nakapaskil…yom, napangiti lang ako… yom nang madatnan kita sa ospital yom, hindi ako makapaniwala na ikaw yun yom…tinatry kong pisilin kamay mo para mag-respond ka, pero yom ala akong natanggap na pisil from you yom… yom, june 1 nang madaling araw yom, may sumuntok sa iyo –pinagtulungan ka…nabagok ulo mo yom sabi nila…

yom june 1, nang madaling araw, you were rushed to davao medical center…kso yom you were not given the services you badly needed yom… sabi ng mga doctors kaya ka raw nagsusuka kse laseng ka lang…they even thought na adik ka yom…sinabi nila sa barkada mo na gigising ka after 6 hours… kso yom, after six hours saka lang namin natanggap text ni rogerick…saying unconscious ka na…king wasn’t home kse pumunta siyang south cotabato…yom, nung magwala sa ospital si papa jun yom saka ka nila inatendan… yom, june one din nang inilipat ka sa davao doctors hospital…

yom, june 1, around 6 pm yom, nang makita ka namin ni nanay… yom, nang makita kita... lam mo yom, yung pinaka-kinakatakutan ko nagkatotoo…yom, nang makita kita feeling ko para akong binuhusan ng malamig na tubig…yom, bakit ala akong nagawa for you…

yom, tanda mo nung june 3, around 10:50 am, when we decided to take your respirator off… kse yom ni-re-reject mo na lahat ng gamot…nagpo-poo ka na rin… yom, ang hirap yom, letting you go…masakit… yom, 10:58 am when you had your last heartbeat…

yom, one month ka ng wala… yom, feeling ko nasa davao ka lang umaakyat ng bundok…kso yom, madalas na nag-si-sink-in na wala ka na… and it hurts…

yom, sana lam mo how much I love you…how much we love you… yom, gusto pa kitang makita, mayakap at makausap…

yom…tell us naman how you are now…kse yom hanggang ngayon floating pa rin me…

Palangga ka guid namon yom…


===

sulat ko to for tuyom, baka sakaling nagsu-surf siya sa net at mabasa niya to...

TUYOM -visayan term for sea urchin: palayaw nang kapatid kong si erick john--kaya siya naging tuyom kse yung buhok niya nung baby pa siya sobrang nakatayo, parang tinik...


---- wrote this last year around July... la lng




Comments

Popular Posts